Directory

Griyegong Mediebal - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Griyegong Mediebal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Griyegong Mediebal
Ἑλληνική
Ellinikí
RehiyonSilagang Dagat Mediteraneo
Panahonnaging Modernong Griyego mula noong 1453
Indo-Europeo
Mga sinaunang anyo
Alpabetong Griyego
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.
Kasaysayan ng wikang Griyego
(tignan din: alpabetong Griyego)

Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
Micenico (c. 1600 BCE –1100 BCE)
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic


*Dates (beginning with Ancient Greek) from Wallace, D. B. (1996). Greek Grammar Beyond the Basics: An Exegetical Syntax of the New Testament. Grand Rapids: Zondervan. p. 12. ISBN 0310218950.

Ang Griyegong Mediebal (Griyego: Μεσαιωνική ελληνική γλώσσα) na kilala rin bilang Griyegong Bisantino [1] ang yugto ng wikang Griyego sa pagitan ng Mga Gitnang Panahon noong mga 600 BCE at pagbagsak ng Constantinople noong 1453. Ang huling petsa aynagmamarka ng wakas ng Mga Gitnang Panahon sa Timog-silangang Europa. Mula ika-7 na siglo, ang Griyego ang tanging wika ng pamamahala at pamahalaan ng Imperyong Bisantino. Ang pag-aaral ng wikang Griyegong Mediebal at panitikan ay isang sangay ng mga pag-aaral na pang-Bisantino o Bisantinolohiya na pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng Imperyong Bisantino. Ang Griyegong Mediebal ang ugnayan sa pagitan ng mga anyong sinauna at moderno ng wikang Griyego dahil sa isang panig, ang panitikan nito ay malakas pa ring naimpluwensiyan ng wikang Sinaunang Griyego samantalang sa kabilang panig, marami sa mga katangiang linggwistiko ng Modernong Griyego ay nagkakahugis na sa sinasalitang wikang Griyego.

Kasaysayan at kaunlaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumipat si Dakilang Constantino ng kabisera ng Imperyong Romano sa Bizancio (at pinangalanan ang lungsod Constantinople) noong 330. Ang lungsod, maski isang pangunahing imperyal na pagtira bilang ibang mga lungsod tulad ng Trier, Milan, at Sirmium, hindi ay opisyal na kabisera hanggang sa 359. Gayunman, ang imperyal na korte ay doong tumira, at ang lungsod ay politikal na gitna ng mga silangang bahagi ng Imperyong Romano, kung saan ang Griyego ay pangunahing wika. Sa simula, ang Latin ay nanatili ang wika ng parehong korte at hukbo. Ginamit para sa opisyal na dokumento, pero nanghina ang kaniyang impluwensiya. Mula sa simula ng ika-6 na siglo, madalas na sinulat ang mga susog sa batas sa Griyego. Saka, ang mga bahagi ng Romanong Corpus Juris Civilis ay unti-unting isinalin sa Griyego. Sa ilalim ng pamamahala ni Emperador Heraclius (610–641 AD), ni kumuha din ng Griyegong titulong Basileus (Griyego: βασιλεύς, romanisado: basileús, lit. 'hari') noong 610, ang Griyego ay naging opisyal na wika ng Silangang Imperyong Romano. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang mga naninirahan ay ipinalagay ang kanilang mga sarili na mga Romano (Griyego: Ῥωμαῖοι, romanisado: Rhōmaîoi) hanggang sa niyang wakas noong 1453, dahil ipinalagay ang kanilang Estado bilang pagpapanatili ng reglang Romano. Patuloy na ginamit ang Latin sa barya hanggang sa ika-9 na siglo, at mas matagal pa nga para sa ilang mga seremonyang pang-korte.

Sa kabila ng kakulangan ng mga maaaasahang demograpikong tuos, tinataya na ang menos kaysa sa isang katlo ng mga naninirahan ng Silangang Imperyong Romano, mga walong milyong tao, ay mga natibong tagapagsalita ng Griyego. Ang dami ng mga tao na naka-Griyego ay malamang mas mataas pa. Ang mga natibong tagapagsalita ng Griyego ay maraming mga naninirahan ng katimugan ng Balkanikong Tangway, sa timog ng Linya ni Jireček, at lahat ng mga naninirahan ng Asya Menor, kung saan ang mga natibong wika (Prihiyo, Lisiyo, Lidiyo, Kariyo, atbp.), kundi ang Armenyo sa silangan, naging lipol at pinalitan ng Griyego noong ika-5 na siglo.

Sa ano't anuman, ang lahat ng mga lungsod ng Silangang Imperyong Romano ay inimpluwensyahan ng wikang Griyego.

Sa panahon sa pagitan ng 603 at 619, ang timog at silangan ng imperyo (Siria, Ehipto, Hilagang Aprika)) ay sinakop ng Imperyong Sasanida at, pagkatapos ng muling pagkuha ni Heraclius (622–628), gayon ding kinuha ng mga Arabe habang mga pagpapalawak ng mga Muslim di-nagtagal pagkatapos.

Ang Alehandriya, isang gitna ng Griyegong wika at kultura, nahulog sa mga Arabe noong 642. Habang mga ika-7 at ika-8 na siglo, unti-unting pinalitan ng wikang Arabe ang Griyego bilang opisyal na wika sa mga teritoryo na sinasakop tulad ng Ehipto, dahil ang madlang pipol ay natuto ng Arabe. Kaya maagang humina ang paggamit ng Griyego sa Siria at Ehipto. Ang pagsalakay ng mga Eslabo sa Balkanikong Tangway ay nagbawas ng pook kung saan nag-Griyego at nag-Latin (humigit-kumulang sa hilaga ng isang linya mula sa Montenegro sa Varna, Bulgarya). Patuloy na nag-Griyego ang Sicilia at ang mga bahagi ng Magna Graecia, Tsipre, Asya Menor at mas heneral na Anatolya, at mga bahagi ng Tangway ng Crimea. Pagkatapos, nag-away ang Bizancio at ang mga Eslabong kaharian o imperyo para sa mga katimugang Balkan. Ang Griyegong wika na sinalita ng isang katlo ng populasyon ng Sicilia sa panahon ng pagsakop ng mga Norman (1060–1090) ay nanatili masigla sa loob ng mga dekada, pero mabagal na namatay (kasama na ang Arabe) dahil sa kusang polisiya ng Latinisasyon sa wika at relihiyon mula sa kalagitnaan ng dekada ng 1160.

Mula sa huling bahagi ng ika-11 na siglo, ang loob ng Anatolya ay sinakop ng mga Seljuk, kung sino umabante sa kanluran. Dahil sa pagkasop (ng mga Otomano) ng Constantinople noong 1453, ng Peloponeso noong 1459 o 1460, ng Imperyong Trebizond noong 1461, ng Atenas noong 1465, at ng Kahariang Kandia noong 1669, nawalan ang Griyego ng niyang katayuan bilang wikang pambansa hanggang sa paglitaw ng modernong Gresya noong 1821. Ang mga diyalekto mula sa 1453 ay tinukoy bilang Modernong Griyego.

Kasing aga ng panahong Helenistiko, may tendensya sa isang diglosiya sa pagitan ng wikang pampanitikang Griyegong Atiko at ng bernakular (Koine) na laging bumago. Noong huling antiguwedad, dedmahin ang puwang ay naging imposible. Sa panahong Bisantino, nagpakita ang Griyegong sinulat sa buong espektro ng mga kakaibang rehistro. Ang lahat ng itong mga rehistro ay arkaiko (at ito ay alam sa mga manunulat ng kontemporanyo) sa paghahambing sa kontemporanyong pasalitang bernakular, ngunit nagkaiba ang mga grado.

Ang ganyang mga kaibahan ay sumasaklaw ng:

  • Isang estilong medyo arkaiko para sa karamihan ng ordinaryong pagsulat, at sa karamihan batay sa Koine ng Bibliya at maagang Kristiyanong panitikan, at
  • Isang estilong artipisyal at napakaaral, na ginamit ng mga manunulat na may mas matataas na pangarap na pampanitikan, at na tinularan ang uliran ng Klasikong Atiko, para ituloy ang Atisismo sa huling antiguwedad.

Sabay-sabay, bumuti ang bernakular batay sa mas maagang Koineng sinalita, at umabante sa isang yugto na sa maraming mga paraan ay nahahawig ang Modernong Griyego sa kaniyang balarila at ponolohiya noong simula ng ika-1 na milenyo AD. Nagsimula sa unang pagkakataon ang panitikan na naglarawan ng Griyegong Demotiko noong humigit-kumulang 1100.

Sa loob ng panitikang pinanatili sa Atiko, kumuha ng prominenteng lugar ang iba't-ibang porma ng historiograpiya. Binuo ang mga kronika at saka klasisista, ang kontemporanyong mga obra ng historiograpiya, at ang mga buhay ng mga santo. Natagpuan ang panulaan sa mga himno at panulaang eklesiyastiko. Ang maraming mga Bisantinong emperador ay mga aktibong manunulat at sumulat ng mga kronika o obra tungkol sa pamamahala ng estadong Bisantino, at saka ng obra na estratehiko o pilolohiko.

Saka, may mga liham, legal na teksto, at napakaraming rehistro at talaan. Ang mga konsesyon sa Griyegong sinalita ay hinanap, halimbawa, sa Kronograpiya ni John Malalas mula sa ika-6 na siglo, sa Kronika ni Teopanes ang Kumpesor (ika-9 na siglo), at sa mga obra ng Emperador Constantino VII (sa gitnang ika-10 na siglo). Ang itong mga obra ay inimpluwensyahan ng bernakular ng panahon sa pili ng mga salita at idiyoma, pero madalas na sumunod ng mga uliran ng Koineng sinulat sa kaniyang morpolohiya at sintaksis.

Tinawag ang pormang sinalita ng Griyego na "bernakular na wika" (Griyego: γλῶσσα δημώδης, romanisado: glōssa dēmōdēs), "Griyegong basiko" (Griyego: ἁπλοελληνική, romanisado: haploellēnikē), "ang sinalita" (Griyego: καθωμιλημένη, romanisado: kathōmilēmenē), o "[wikang] Romano" (Griyego: Ῥωμαιϊκή, romanisado: Rhōmaiïkē). Bago ang ika-13 na siglo, napakadadalang ang mga halimbawa ng mga teksto na sinulat sa bernakular na Griyego. Sumaklaw ng mga halaw ng popular na mga acclamatio (Griyego: ἀκτολογία}, romanisado: aktologia), mga salawikain, at karaniwang mga pormulasyon na paminsan-minsan pumasok sa Griyegong panitikan. Mula sa tapos ng ika-11 na siglo, inidokumento ang mga bernakular na tula mula sa mundong pampanitikan ng Constantinople.

Ang Digenes Akritas (Griyego: Διγενῆς Ἀκρίτας), isang koleksiyon ng mga magigiting saga mula sa ika-12 na siglo na mamaya na nalikom sa isang tulang epiko, ay unang obrang pampanitikan na puspusang sinulat sa bernakular. Lumitaw noong ika-12 na siglo, katabi ng nobela ng romansa sa Pranses, halos bilang isang reaksiyon sa renasimiyentong Atiko habang dinastiyang Komnenoi sa mga obra tulad ng Kronograpiya (ni Michael Psellos, noong gitnang bahagi ng ika-11 na siglo) o ng Alexiad, ang talambuhay ni Emperador Alexios I Komnenos na sinulat ng niyang anak na babaeng Anna Komnene noong isang siglo mamaya. Sa blangkong berso (versus politicus) na may labinlimang pantig, inaatupag ng Digenes Akritas ang parehong sinaunang at mediebal na magigiting saga, pero rin ang mga kuwento ng mga hayop at halaman.

Natatangi ang Kronika ng Morea (Griyego: χρονικὸν τοῦ Μορέως), isang kronika sa berso mula sa ika-14 na siglo. Pinananatili rin sa mga bersiyon sa Pranses, Italyano, at Aragones, at inaatupag ang kasaysayan ng piyudalismo ng mga Franco sa Peloponeso habang Frankokrasiya (Griyego: Φραγκοκρατία, Latin: Francocratia) o Latinokrasiya (Griyego: Λατινοκρατία, Latin: Latinocratia) ng Prinsipalidad ng Akaya, isang estado na itinatag pagkatapos na Ikaapat na Krusada at pagbagsak ng Constantinople noong ika-13 na siglo.

Nasa ilang mga dokumento mula sa katimugang Italya, na sinulat noong ika-10 na siglo, may unang ebidensiya ng bernakular na Griyegong tuluyan. Kinabilangan ang mamaya na tuluyan ng mga aklat ng mga batas, mga kronika, at mga piraso ng mga obra tungkol sa relihiyon, kasaysayan, at medisina. Ang dualismo sa pagitan ng pampanitikan at bernakular ay tumagal hanggang sa ika-20 na siglo, kung kailan ipinasiya ang suliranin ng wikang Griyego pabor sa bernakular nonng 1976.

Mga diyalekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagpapatagal hanggang sa Gitnang Kapanahunan ng nag-iisang estadong Grekopono, ang Imperyong Bisantino, ay nangahulugan na, hindi tulad ng Bulgar na Latin, ang Griyego ay hindi bumiyak sa hiwalay na mga wika. Gayunman, dahil sa pagbalian ng estadong Bisantino sa tapos ng unang milenyo, nagsimula maghiwalay ang mga diyalekto na ngayong ibinukod, tulad ng Griyegong Mariupol (Crimea), Griyegong Pontiko (Asya Menor katabi ng Dagat Itim), at Griyegong Cappadocian (gitnang Asya Menor). Ang mga diyalekto ng mas lumang pinagmulan, na ngayong ginagamit pa, ay diyalekto Griko (katimugang Italya) at wikang Tsakoniyo (Peloponeso). Ang Griyego ng Tsipre ay pampanitikang wika na noong huling Gitnang Kapanahunan, at ginamit sa Mga Assize ng Tsipre at mga kronika nina Leontios Machairas at Georgios Boustronios.

Vocabularyo, iskrip, impluwensiya sa ibang mga wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pagbabagong intralingguwistiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Griyegong Mediebal, ang mga pagbabagong leksikograpiko na inimpluwensyahan ng Kristiyanismo ay nahahanap sa mga salita tulad ng ἄγγελος [ˈaɲɟelos] ("mensahero" → "mala-paraisong mensahero" → "anghel") o ἀγάπη [aˈɣapi] ("pag-ibig" → "altruistikong pag-ibig, agape"), na mahigpit na ipinagkakaiba ang ἔρως [ˈeros] ("pisikal na pag-ibig", tingnan din ang Eros). Sa ordinaryong paggamit, ang ilang mga lumang Griyegong ugat ay ipinalit. Halimbawa, sa salita para sa "alak", ang lumang Griyegong οἶνος [oînos] ay ipinalit sa κρασίον [kraˈsion] ("halo").

Mga salitang hiram mula sa ibang mga wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lalo na sa simula ng Imperyong Bisantino, humiram ang Griyegong Mediebal ng napakararaming salita mula sa Latin, kabilang sa pangunahin na mga titulo at ibang mga termino ng buhay ng korteng imperyal tulad ng Αὔγουστος [ˈavɣustos] ("Augustus"), πρίγκιψ [ˈpriɲɟips] (Latin: princeps, "Prinsipe"), μάγιστρος [ˈmaʝistros] (Latin: magister, "Magister"), κοιαίστωρ [cyˈestor] (Latin: quaestor, "Quaestor"), ὀφφικιάλος [ofiˈcalos] (Latin: officialis, "opisyal").

Pumasok din ang mga salitang Latin mula sa ordinaryong buhay sa wikang Griyego, halimbawa ὁσπίτιον [oˈspition] (Latin: hospitium, "hostel", puwes "bahay", σπίτι [ˈspiti] sa Modernong Griyego), σέλλα [ˈsela] ("siya, montura (para sa isang kabayo)"), ταβέρνα [taˈverna] ("taberna"), κανδήλιον [kanˈdilion] (Latin: candela, "kandila"), φούρνος [ˈfurnos] (Latin: furnus, "hurno") at φλάσκα [ˈflaska] (Latin: flasco, "tuytoy").

Lumitaw ang mga ibang impluwensiya sa Griyegong Mediebal mula sa kontak sa karatig na mga wika at wika ng mga mananakop mula sa Republika ng Venecia, Arabia, at Pransiya. Ang mga salitang hiram mula sa itong mga wika ay nanatili sa Griyego o sa kaniyang mga diyalekto:

Impluwensiya sa ibang mga wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang wika ng Simbahang Ortodokso ng Silangan, ang Gitnang Griyego (lalo na sa pamamagitan ng konbersiyon ng mga Eslabo nina Cyril at Methodius) ay pumasok sa mga wikang Eslabo via panrelihiyong sektor, lalo na sa Lumang Eklesiastikong Eslabo.

Inilalarawan ng kasunod na mga teksto ang kaso ng diglosiya sa Griyegong Bisantino, kasi nagmula halos mismong panahon pero ipinapakita malalakas na kaibahan sa kanilang balarila at leksiko, at malamang sa ponolohiya rin. Ang unang pili ay halimbawa ng historiograpiyang pampanitikan, yamang ang pangalawa ay bernakular na tula mas malapit sa ordinaryong pagsasalita.

Ang unang halaw ay mula sa Alexiad ni Anna Komnena, na isinasalaysay ang pagsalakay ni Bohemond I ng Antioquia, anak na lalaki ng Robert Guiscard, noong 1107. Gumagamit ang manunulat ng maraming sinaunang bokabularyo, na inimpluwensyahan ng Ioniko ni Herodotus, ngunit ginagamit din ang terminolohiyang post-klasiko (e.g. δούξ, mula sa Latin: dux) (→ Kastila: duqueTagalog: duke). Alam na alam niya ang klasikong morpolohiya at sintaksis, pero paminsan-minsang may rin mga "kamalian", mga pakikialam mula sa popular na wika, tulad ng εἰς + akusatibo imbes na klasikong ἐν + datibo para sabihin ang "sa (loob)". Bilang naaaninag sa ponetikong transkripsiyon, maski ang karamihan ng mga pangunahing pambabagong pantunog na nagdulot ng modernong Griyegong sistema (kabilang sa unyon ng υ/οι /y/ at /i/) ay ipinalalagay kumpleto sa itong panahon, malamang nanlaban ang pagsasalita na nag-aral ng pagkawala ng ν, aperesis at sinizesis.[3]

Ὁ δὲ βασιλεὺς, ἔτι εἰς τὴν βασιλεύουσαν ἐνδιατρίβων, μεμαθηκὼς διὰ γραφῶν τοῦ δουκὸς Δυρραχίου τὴν τοῦ Βαϊμούντου διαπεραίωσιν ἐπετάχυνε τὴν ἐξέλευσιν. ἀνύστακτος γὰρ ὤν ὁ δοὺξ Δυρραχίου, μὴ διδοὺς τὸ παράπαν ὕπνον τοῖς ὀφθαλμοῖς, ὁπηνίκα διέγνω διαπλωσάμενον τὸν Βαϊμούντον παρὰ τὴν τοῦ Ἰλλυρικοῦ πεδιάδα καὶ τῆς νηὸς ἀποβεβηκότα καὶ αὐτόθι που πηξάμενον χάρακα, Σκύθην μεταπεψάμενος ὑπόπτερον δή, τὸ τοῦ λόγου, πρὸς τὸν αὐτοκράτορα τὴν τούτου διαπεραίωσιν ἐδήλου.

[o ðe vasiˈlefs, ˈeti is tim vasiˈlevusan enðjaˈtrivon, memaθiˈkos ðja ɣraˈfon tu ðuˈkos ðiraˈçiu tin du vaiˈmundu ðjapeˈreosin epeˈtaçine tin eˈkselefsin. aˈnistaktos ɣar on o ðuks ðiraˈçiu, mi ðiˈðus to paˈrapan ˈipnon tis ofθalˈmis, opiˈnika ˈðjeɣno ðjaploˈsamenon tom vaiˈmundon para tin du iliriˈku peˈðjaða ce tiz niˈos apoveviˈkota ce afˈtoθi pu piˈksamenon ˈxaraka, ˈsciθin metapemˈpsamenos iˈpopteron ði, to tu ˈloɣu, pros ton aftoˈkratora tin ˈdutu ðjapeˈreosin eˈðilu.]


"Kapag natuto ang emperador, pa nasa imperyal na lungsod, ng tawid ng Bohemond mula sa mga sulat ng duke ng Dyrráchion, nagmadali ng niyang pag-alis. Dahil maingat ang duke, at lahatang itinakwil ang tulog sa kaniyang mga mata, at sa sandali kung kailan natuto na Bohemond naglayag sa tabi ng kapatagan ng Illyricum, naglunsad [ang duke], nagtayo ng kampo doon, napatawag ang isang Eskito na may mga 'pakpak', tulad ng sinasabi nila, at ipinaalam sa emperador ang tawid ng lalaki."

Digenes Akritas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalawang halaw ay mula sa epiko ng Digenes Akritas (manuskriptong E) baka mula sa ika-12 na siglo. Ang itong teksto ay isa sa unang mga halimbawa ng Bisantinong panitikang bayan, at sumasaklaw ng mararaming katangian kahalintulad sa wikang demotiko (o bernakular). Dumidikit ang metrong patula ng Griyegong bersong pampolitika (Griyego: πολιτικός στίχος, romanisado: politikós stíkhos) na may labinlimang pantig. Palagian ang mga katangian ng popular na pagsasalita tulad ng synezisis, elisiyon at aperesis, bilang itinatala sa transkripsiyon sa kabila ng konserbatibong ortograpiya. Nakikita din ang pagpapasimple ng διὰ sa modernong γιὰ. Sa morpolohiya nakikita ang paggamit ng mga modernong panghalip na paari, ang kasunduan ng klasikong -ουσι(ν)/-ασι(ν) at modernong -ουν/-αν, ang kawalan ng reduplikasyon sa ilang mga hulapi, at ang karagdagan ng ν sa pang-uri sa γλυκύν. Sa ibang mga bahagi ng tula, ang datibong ay halos puspusang ipinalit sa genitibo at akusatibo para sa indirektong mga layon.[4]

Καὶ ὡς εἴδασιν τὰ ἀδέλφια της τὴν κόρην μαραμένην,
ἀντάμα οἱ πέντε ἐστέναξαν, τοιοῦτον λόγον εἶπαν:
'Ἐγείρου, ἠ βεργόλικος, γλυκύν μας τὸ ἀδέλφιν˙
ἐμεῖς γὰρ ἐκρατοῦμαν σε ὡς γιὰ ἀποθαμένην
καὶ ἐσὲν ὁ Θεὸς ἐφύλαξεν διὰ τὰ ὡραῖα σου κάλλη.
Πολέμους οὐ φοβούμεθα διὰ τὴν σὴν ἀγάπην.'

[c os ˈiðasin t aˈðelfja tis tiŋ ˈɡorin maraˈmeni(n) anˈdama i ˈpende ˈstenaksan, tiˈuto(n) ˈloɣon ˈipa(n): eˈjiru, i verˈɣolikos, ɣliˈci(m) mas to aˈðelfi(n); eˈmis ɣar ekraˈtuman se os ja apoθaˈmeni(n) c eˈsen o ˈθjos eˈfilakse(n) (ð)ja t oˈrea su ˈkali. poˈlemus u foˈvumeθa ðiˈa ti ˈsin aˈɣapi(n)]


"At kapag nakita ng niyang mga kapatid na lalaki ang batang babae na natuyo, ang lima ay sabay-sabay na dumaing, at ganitong sumasabi: 'Tumayo ka, maliksi, naming maliksing malambing kapatid na babae, kasi natin kang ipinalagay patay, pero pinrotektahan ka ng Diyos dahil sa iyong ganda. Sa pamagitan ng naming pag-ibig para sa iyo, hindi kinatatakutan naming ang hindi anumang digma.'"

Sa Imperyong Bisantino, ang mga teksto sa Wikang Sinaunang Griyego at Griyegong Mediebal ay paulit-ulit na ikinopya, at ang pag-aaral ng itong mga teksto ay bahagi ng Bisantinong edukasyon. Ang iba-ibang koleksiyon ng mga transkripsiyon ay sinubukan itala ang buong korpus ng Griyegong panitikan mula sa antiguwedad. Dahil sa malawakang palit sa mga Italyanong akademiko mula sa ika-14 na siglo, ang maraming mga iskolar at manuskrito umabot ng Italya habang paglubog ng Silangang Imperyong Romano. Habang Renasimiyento, ang mga humanistang Italyano at Griyego ay nagtatag ng mahahabang koleksiyon sa Roma, Florencia, at Venecia.[kailangan ng sanggunian]

Ang Griyegong tradisiyon ay inilipat din sa Kanlurang Europa at Gitnang Europa noong ika-16 na siglo ng mga iskolar na nag-aral sa mga Italyanong unibersidad. Sumasaklaw ang itong lipat ng mga Bisantinong obra na may pangunahing klasikong pilolohiya, kasaysayan, at teolohiya, pero hindi Griyegong Mediebal na wika o panitikan, bilang kaniyang layon ng pananaliksik. Sinasabi na si Hieronymus Wolf (1516–1580) ay "tatay" ng Bisantinismo sa Alemanya. Sa Pransiya, ang unang prominenteng Bisantinista ay Charles du Fresne, sieur du Cange (1610–1688). Dahil nakita ng Panahon ng Kaliwanagan sa Bizancio ang dekadenteng kultura na nasawi habang huling mga araw ng imperyo, ang interes sa Bisantinong pananaliksik ay malaki na nagbawas habang ika-18 na siglo.[kailangan ng sanggunian]

Lamang habang ika-19 na siglo ang paglalathala at pananaliksik ng mga Mediebal na Griyegong pinagmulan ay mabilis na nagsimula dumami, lalo na inspirado sa Pilhelenismo. Saka, ini-edit ang unang mga teksto sa bernakular na Griyego. Ang sangay ng Bisantinolohiya ay unti-unting humiwalay sa Klasikong Pilolohiya at naging malayang sangay ng pananaliksik. Ang Bavarong iskolar, ni Karl Krumbacher (1856–1909), gumawa ng pananaliksik sa bagong estadong Gresya, at ipinalagay na tagapagtatag ng Mediebal at Modernong Griyegong Pilolohiya. Mula sa 1897, kumaha siya ng akademikong upuan ng Mediebal at Modernong Griyego sa Unibersidad ng Munich Ludwig Maximilian. Sa parehong siglo ang Rusong Bisantinolohiya nag-evolve mula sa dating koneksiyon sa pagitan ng Simbahang Ortodokso ng Silangan at Imperyong Bisantino.[kailangan ng sanggunian]

Napakahalaga din ang Bisantinolohiya sa ibang mga bansa sa Balkanikong Tangway, dahil sa malaking papel ng mga Bisantinong pinagmulan sa kasaysayan ng bawa't isang bansa. Kaya may matagal na tradisyon ng pananaliksik, halimbawa sa Serbia, Bulgarya, Romania, at Hungary. May ibang mga gitna ng Bisantinolohiya nasa Estados Unidos, Reyno Unido, Pransiya, at Italya. Ngayon ang dalawang pinakahahalagang gitna ng Bisantinolohiya sa mga bansang nag-Aleman ay mga Instituto nasa Unibersidad ng Munich Ludwig Maximilian at Unibersidad ng Vienna. Ang pangunahing organisasyon para sa Bisantinolohiya ay Bisantinong Asosyasyong Pandaigdig, na may punong-himpilan sa Paris.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "There is a pending petition for an ISO639-3 code of Medieval Greek: gkm". Sil.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-03.
  2. Babiniotis, Lexiko tis Neas Ellinikis Glossas, s.v. λουλούδι.
  3. Horrocks (2010: 238-241)
  4. Horrocks (2010: 333-337)