Directory

Bangkong Pandaigdig - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Bangkong Pandaigdig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang logo ng World Bank

Ang World Bank ("Bangkong Pandaigdigan"), ay isang sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal[1] sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran (tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, atbp.) na may layunin ng pagbababa ng kahirapan. Ang World Bank ay naiiba sa Pangkat ng World Bank na dating binubuo ng Bangkong Sabansaan para sa Muling Pagtatayo at Kaunlaran (IBRD) at ang Kapisanan ng Kaunlarang Sabansaan (IDA). Samantala ang huli ay nakisama sa mga entitad na ito sa karagdagan ng tatlong iba pa.[2]

Ang World Bank ay pormal na itinatag noong 27 Disyembre 1945, kasabay ang ratipikasyon ng kasunduang Bretton Woods. Ang konsepto nito ay likas na isinasaisip sa Kumperensiya sa Monetaryo at Pananalapi ng Mga Nagkakaisang Bansa. Pagkatapos ng dalawang taon, nakapaglabas ng Bangko ng unang pautang: $250 angaw sa bansang Pransiya para sa muling pagbangon pagkatapos ng digmaan, ang pangunahing sadlakan ng mga gawain ng Bangko noong katatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa mahabang panahon, ang panig ng "kaunlaran" ng mga gawain ng Bangko ay nakapagkunwa ng malaking sapi ng pagpapautang, bagama't ito'y nananatiling kasama sa muling pagtatayo pagkatapos ng labanan, kasabay sa muling pagtatayo pagkatapos ng mga likas na malaking kapinsalaan, tugon sa mga kagipitang makatao at mga pagbabalik sa kapaki-pakinabang na pangangailangan para sa mga nasalanta ng labanan kung saan nadamay ang mga umuunlad at pagpapalit na ekonomiya. May mga puna sa mga bunga ng "panukalang pangkaunlaran" ng World Bank na napupunta lamang sa katiwalian at sa malawakang pagsasamantala ng mga korporasyon na nabibigyan ng mga monopolyo ng mga yaman ng umuunlad na bansa.

Ang mga himpilan ng World Bank sa Washington DC

Ang misyon ng Bangko ay tumulong sa mga umuunlad na bansa at ang kanilang mga naninirahan ay nagkakamit ng kaunlaran at kababaan ng kahirapan, kasama ang mga bagay na nagawa sa mga Mithiing Pangkaunlaran sa Milenyo (MDG), sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga bansa na nagpapaunlad ng kapaligiran para sa pamumuhunan, mga hanapbuhay at kapana-panatili sa pag-unlad (sustainable growth). Sa ganitong paraan, mapapalaganap ang pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya, pagkakaroon ng mga pamumuhunan, at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap na makibahagi sa kaunlaran. Namamasdan ng World Bank ang mga limang salik na naging susi bilang pangangailangan para sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng kapaligirang pangnegosyo:

  1. Magbuo ng kakayahan – Pagpapalakas ng mga pamahalaan at magbigay ng karagdagang edukason sa mga opisyal ng pamahalaan
  2. Paglikha ng mga imprastraktura – pagsasakatuparan ng mga sistemang abogasya at panghukuman upang mapasigla ang mga negosyo, magkaroon ng proteksiyon ng mga sarili at mga karapatan sa ari-arian at mapangaralan ang mga kontrata
  3. Kaunlaran sa Sistemang Pananalapi – ang pagkatatag ng malakas na sistema na may kakayahang kumandili sa mga pagsusumikap mula sa maliit na pautang hanggang sa pagbibigay ng tulong-pananalapi ng malaking samahan ng mga nagbabakasakali
  4. Pagpuksa sa katiwalian – Kumakandili sa mga bansang nagsisikap sa paglipol ng mga katiwalian
  5. Pagsasalik, Pagkokonsulta at Pagsasanay – ang World Bank ay nagbibigay ng plataporma ukol sa pagsasalik sa mga isyung pangkaunlaran, pagkokonsulta at nagdadaos ng mga programang pagsasanay na bukas para sa mga interesado tulad ng mga akademiko, mga mag-aaral, mga opisyal ng pamahalaan at mga opisyal ng di-pampamahalaang organisasyon (NGO), atbp.

Mga Pangulo ng World Bank

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. About the World Bank
  2. FAQs - About the World Bank Naka-arkibo 2013-03-12 sa Wayback Machine.. Mula sa opisyal na pahina ng World Bank, Worldbank.org. Muling nakuha noong 2007-10-07.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]